HANDA | Camp Crame handa na sakaling i-custody si dating first lady Imelda Marcos

Sa kabila na wala pang inilalabas na commitment order ang korte tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda ang kanilang pasilidad sa Camp Crame para pagkulungan kay dating first lady Imelda Marcos.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, mayroong custodial center ang PNP na kung saan nakakulong ang mga pulitiko o mga kilalang mga indibidwal.

Hanggang kaninang umaga aniya ay naghihintay sila ng kopya ng warrant of arrest laban kay Marcos.


Sa oras na makatanggap aniya sila ng kopya nito ay agad nila itong isisilbi.

Kahapon ay hinatulang guilty ng Sandiganbayan court si Marcos sa kasong graft na may parusang 6 hanggang 11 taong pagkakakulong.

Facebook Comments