
Manila, Philippines – Bukas pa rin umano ang Communist Party of the Philippines (CPP) na ipagpatuloy ang peacetalk.
Pahayag ito ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison kasunod ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga rebelde na magbalik loob sa pamahalaan.
Sabi ni Sison, anumang oras ay handa silang ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan kung gugustuhin ng Pangulo.
Nauna nang binatikos ni Sison ang ginagawang panliligaw ni Pangulong Duterte sa mga rebeldeng komunista.
Bukod kasi sa pabahay, sinabi ng Pangulo na magbibigay rin siya ng hanapbuhay sa mga susukong miyembro ng NPA.
Giit ni Sison – bahagi lang naman ito ng psychological warfare ng Pangulo.
Matatandaang itinigil ang peacetalk dahil sa patuloy na pangingikil ng mga rebelde ng revolutionary tax at pag-atake sa ilang istasyon ng pulis at kampo ng mga sundalo na labis na ikinagalit ng Pangulo.









