Manila, Philippines – Pinaghahanddaan na ni retired Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang anumang criminal complaint na posibleng ihain laban sa kanya ngayong wala na siya sa pwesto.
Ayon kay Morales, hindi na siya masusurpresa kung mayroon mang magtangkang kasuhan siya ng criminal complaint kahit pa hindi ito maaring ihain laban sa kaniya.
Matatandaan na noong nasa pwesto pa, binantaan siya ng impeachment mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, na nag-akusa rin sa kanya na isa sa mga nais magpatalsik sa Pangulo.
Sinabi pa ni Morales na naghanda na daw siya sakaling matuloy ang impeachment complaint laban sa kanya at nais niyang mapatunayang walang katotohanan ang mga ibinabatong alegasyon laban sa kanya.
Facebook Comments