HANDA | DFA nakahandang pauwiin ang mga Pilipino sa Nicaragua

Manila, Philippines – Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag-repatriate ng mga Pilipino sa Nicaragua bunsod ng nagpapatuloy na kaguluhan doon.

Ayon sa DFA, wala sa ngayon mula sa 86 na mga Pilipino na nakatira at nagtatrabaho sa Nicaragua ang naapektuhan ng gulo pero pinapayuhan ang mga ito na manatiling mapagmatyag at maging vigilante.

Sinabi pa ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na nakahanda ang embahada na ilipad pabalik ng bansa ang mga OFWs kung kinakailangan.


Sa ngayon 3 pa lamang na Pinoy ang nag-avail ng voluntary repatriation.

Nagpadala narin ang Embahada ng Pilipinas ng team upang i-monitor ang sitwasyon ng ng mga Pilipino sa nasabing bansa.

Ayon kay Ambassador Demetrio Tuason may nagaganap na riot at looting sa ibat-ibang bahagi ng Nicaragua simula pa noong Abril.

Nagsimula ang gulo sa nasabing bansa makaraang magpatupad ng mga bagong polisiya ang kanilang pamahalaan.

Sa pinakahuling report, nasa 280 na ang nasawi at mahigit 2,000 na ang naitatalang sugatan sa Nicaragua unrest na itinuturing na pinakamadugong protesta magmula nang matapos ang civil war noong 1990.

Facebook Comments