Kasunod nang inaasahang pananalasa ng bagyong Rosita sa bansa.
Sinimulan na ng Department of Energy (DOE) sa pamamagitan ng kanilang task force on energy resiliency ang pagmo-monitor at paghahanda upang mabawasan o hindi ganun kalaki ang maging pinsala ng bagyo sa energy system and facilities.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi pinayuhan na niya ang bawat myembro ng energy family na paghandaan ang bagyong Rosita.
Sa panig ng National Power Corporation (NPC) inumpisahan na nila ang precautionary measures sa mga pinatatakbo nilang hydroelectric dams kabilang na ang Ambuklao, Binga, San Roque, Angat at Caliraya dams.
Habang ang National Electrification Administration (NEA) ay nagpadala na ng typhoon preparedness advisories sa lahat ng electric cooperatives at inatasan ang mga ito na i-activate ang kanilang Emergency Restoration Organization.
Samantala ang Manila Electric Company (Meralco) naman ay patuloy sa pagsasagawa ng preparatory activities at coordination sa kanilang stakeholders.
Sa pagtaya ng PAGASA ang bahagi ng northern Luzon ang posibleng mapuruhan ng bagyong Rosita.