HANDA | Donnie “Ahas” Nietes, handa daw makaharap si IBF Super Flyweight Champ Jerwin Ancajas

Manila, Philippines – Handa ngayon ang Pinoy boxer na si Donnie “Ahas” Nietes na makaharap sa ibabaw ng ring ang kababayang si IBF Super Flyweight Titlist Jerwin Ancajas.

Ayon kay Nietes, walang problema kahit sino pang boksingero ang makalaban basta at kaparehas nito ng timbang.

Pero giit ni Nietes, nakadepende pa raw ito sa kung sino ang gustong makausap ng kanyang manager at promoter.


Hawak dati ni Nietes ang magkakaibang titulo sa minimum weight, junior flyweight at flyweight bago niya ito binitawan dahil sa pag-angat niya ng timbang.

Nanalo naman si Ancajas via unanimous decision kontra kay Jonas Sultan sa all-Filipino fight nitong Linggo.
Sasabak sa ring si Nietes sa Agosto 18 laban sa isa pang Pinoy boxer na si Aston Palicte para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) title sa 115-pounds.

Facebook Comments