HANDA | DSWD, nanatiling nasa red alert sa mga madaling bahaing lugar

Nanatiling nasa red alert ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga madaling bahaing lugar sa harap pa rin ng pag-uulan dulot ng habagat.

Ayon kay Acting Secretary Virginia Orogo, nanatiling activated ang kanilang quick response team sa mga binabantayang lugar.

Naka -prepositioned pa rin na ang mga suplay na pagkain at mga non-food items.


May 207,946,798.85 na standby funds ang central office at field offices.

Mula sa naturang standby fund, 165,181,069.00 ay inilaan sa quick response fund.

Nasa 485,636 family food packs na nagkakahalaga ng 169,742,460.28 at mga non-food items na nagkakahalaga ng 778,574,135.7 ang nakahandang ipapamahagi sa mga apektadong Local Government Units (LGUs).

Partikular na binabantayan ay ang Camiguin at Misamis Occidental at sa Iligan City.

Facebook Comments