Puspusan na ang paghahanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa inaasahang magiging epekto ng bagyong Rosita.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista – pinaigting na ang kanilang monitoring sa posibleng impact ng bagyo lalo na sa Northern at Central Luzon.
Handa aniya ng ahensya ang seguridad at kaligtasan ng lahat.
Pinag-iingat naman ng DSWD ang mga bibiyahe lalo na sa mga lugar na maapektuhan ng bagyo.
Facebook Comments