HANDA | Gagawing imbestigasyon sa pagkakaaresto sa 3 abogado, walang problema sa PNP

Manila, Philippines – Handa ang PNP sa anumang imbestigasyon kanilang kaharapin matapos ang kanilang ginawang pagaresto sa tatlong abogado nang kanilang isagawa ang pagsalakay sa isang bar sa Makati.

Ito ay matapos na magdesisyon ang Senado at Kamara na magsasagawa ng mga pagdinig kaugnay sa pag-aresto sa tatlong abogado.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde bukas ang kanilang ahensya sa pagsisiyasat.


Ito aniya ay isang magandang paraan upang matukoy ang totoong nangyari.

Naniniwala si Albayalde na may matibay na basehan ang kanyang mga tauhan para arestuhin ang tatlong abogado.

Matapang pang pahayag ni Albayalde na nobody is above the law.

Ang tatlong abogado ay sinampahan ng PNP ng obstruction of justice, at constructive possession of illegal drugs.

Ito ay matapos na pumasok sa police line ang mga ito habang ginagawa ang raid nang walang maayos na koordinasyon.

Sakali namang ma counter charged ang mga pulis na umaresto sa tatlong abogado tiniyak ni Albayalde na ibibigay ng PNP ang lahat ng legal support para sa mga ito.

Sa report nakakumpiska ang mga pulis ng marijuana, cocaine at paraphernalia sa vault at sa sahig ng bar.

Facebook Comments