Handa si North Korean Leader Kim Jong-un na pahintulutan ang pagsasagawa ng inspeksyon sa kanilang main nuclear complex sa Yongbyon.
Sa ulat ng isang South Korea news agency, sinabi ni Kim kay South Korean President Moon Jae-in na kapag tumalima ang Estados Unidos sa mga kaukulang hakbang maliban sa pagsasara ng kanilang facilities, ay bubuksan din ito sa inspeksyon.
Ipinasa ni Moon kay U.S. President Donald Trump ang mensahe nang magkita ang dalawang lider sa United Nations General Assembly sa New York nitong Setyembre.
Una nang idiniin ng U.S. ang kahalagahan ng verification habang nagpapatuloy ang negosasyon sa Pyongyang hinggil sa denuclearization ng Korean Peninsula.
Facebook Comments