Manila, Philippines – Nakahanda ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa posibilidad na muling kwestyunin sa korte ang binabalak nilang ipatupad na high occupancy vehicle lanes sa EDSA tuwing rush hour.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia dahil sa napaka bigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA hindi lamang ang mga pampublikong sasakyan ang dapat nilang disiplinahin kung hindi maging ang mga pribadong sasakyan.
Kung kaya at nais nilang ipatupad ang pagbabawal sa driver only na dadaan sa EDSA twing rush hour.
Bagamat pinaplantsa pa ang detalye posibleng ipatupad ito mula alas-sais hanggang alas-otso ng umaga gayundin sa kaparehong oras sa gabi pero hindi pa ito pinal dahil magkakaroon muna ng pagpupulong ang MMDA kasama ang ibat-ibang stakeholders ngayong araw hanggang sa Biyernes.
Panawagan ni Garcia sa mga motorista sumunod muna bago magreklamo.
Matatandaang una nang kinuwestyon ng Motorcycle Rights Association ang pagtatalaga ng motorcycle lanes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil ito umano ay unconstitutional o labag sa batas.