HANDA NA | Alden Richards, ready na daw magkaroon ng relasyon

Manila, Philippines – Ready na daw ang “Pambansang Bae” na si Alden Richards na makipag-relasyon kung sakaling mahanap na niya ang babaeng magpapatibok ng kaniyang puso.

Say ni Alden, kailangan na daw niya siguradong bigyan ng time ang pagkakaroon ng lovelife sa kabila ng pagiging busy niya sa pinagbibidahang serye sa TV.

Umaasa din siya na ngayon taon na niya matatagpuan ang kaniyang “the one” para maiba naman daw ang takbo ng kaniyang buhay.


Aminado din siya na wala siyang idine-date sa ngayon pero hindi raw niya mapipigilan ang sarili sakaling may mapusuan kahit pa anuman ang sabihin ng iba.

No comment naman si Alden nang tanungin kung bakit hindi man lang siya na-fall sa on-screen partner nito sa noontime show na si Maine Mendoza.

Facebook Comments