HANDA NA | Anchorman Erwin Tulfo handa sa imbestigasyon na may kinalaman sa kontrata ng DOT at Bitag

Manila, Philippines – Handa ang hard-hitting journalist na si Erwin Tulfo na sumalang sa anumang imbestigasyon na isasagawa sa kanya ng alin mang ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Erwin, haharapin niya ang anumang imbestigasyon, anumang oras at kahit saan man isasagawa ay dadaluhan niya ito para ibigay ang kanyang panig at malinis ang kanyang pangalan.

Paliwanag ni Erwin, isa lamang siyang pankaraniwang manggagawa, casual at talent at hindi may-ari at producer ng Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) na ibinibintang sa kanya.


Itinanggi ni Erwin na wala siyang kinalaman sa negosasyon sa P60-milyong advertisement contract sa pagitan ng Department of Tourism (DOT), PTV-4 at Bitag Media Unlimited dahil siya ay isang lamang news anchor at commentator.

Binasag ni Erwin ang kanyang pananahimik dahil ilang araw ng ikinakabit ang kanyang pangalan sa alingasngas

Facebook Comments