HANDA NA | Augmentation support ng DSWD para sa tatamaan ng bagyo, nakaposisyon na

Manila, Philippines – Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na posibleng daanan ng papasok na bagyong Ompong.

Inalerto na ni DSWD Secretary Virginia Orogo kanya ang quick response teams ng ahensiya para sa augmentation support sa mga lugar na tatamaan nito.

Habang wala pa ang bagyo may ginagawa nang pakikipag-ugnayan ang DSWD sa iba pang government units upang matiyak na tama ang magiging tugon sa mga mangangailangan ng tulong.


Bukod sa DSWD Central Office, Field Offices at National Resource Operations Center na may inihanda nang pagkain at pondo may naka prepositioned na ring relief goods sa mga kalapit rehiyon na maaaring hugutin sa oras ng pangangailangan lalo na sa northern Luzon.

Kung hindi magbabago ang direksyon, isa aniya sa posibleng tamaan ng bagyo ang lalawigan ng Batanes kung saan nagpadala na kahapon ang DSWD ng 5,000 family food packs; 1,000 hygiene kits; 1,000 family kits at 1,000 sleeping kits.

Karagdagan ito sa mga family food packs na nakaimbak na sa DSWD Field Office II.

Pagtiyak pa ng DSWD na may higit P872 Million standby funds pa ito na magagamit sa anumang pangangailangan ng mga maapektuhang rehiyon.

Facebook Comments