HANDA NA | Christian Standhardinger, ready nang maglaro sa FIBA 3×3 World Cup

Manila, Philippines – Excited na ngayon ang mga fans ng national team na magre-representa ng bansa sa 2018 FIBA 3×3 World Cup.

Ito ay matapos na payagan ng mga doktor na maglaro si Christian Standhardinger matapos gumaling ang injury sa kaniyang kaliwang tuhod.

Ayon kay Gilas Pilipinas Team Manager Butch Antonio, wala ng magiging problema pa sa kanilang line up at nakahanda na ang mga players sa nasabing tournament.


Makakasama ni Standhardinger sina GlobalPort Stanley Pringle at sina TNT KaTropa Roger Pogoy at Troy Rosario sa FIBA 3×3 na magsisimula mula June 8 hanggang June 12 sa Philippine Arena.

Facebook Comments