HANDA NA | COMELEC, 100% handa para sa Barangay at SK Elections ngayong araw

Manila, Philippines – Isang daang porsyentong handa na ang Commission on Election (COMELEC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election ngayong araw.

Ayon kay acting COMELEC Chairman Al Parreno, tapos na ang pagpapadala ng mga balota sa field.

Nagsimula na rin aniya ang early distribution ng mga balota, pero otorisado lamang ito ng COMELEC sa mga malalayong lugar at dapat may kasamang miyembro ng pulisya at COMELEC.


Maliban rito, natukoy na rin ng COMELEC ang posibleng pumalit sa mga gurong board election tellers na hindi sisipot ngayong araw.

Dagdag pa ni Parreno, may mga bihasang tauhan ng PNP at AFP na magtitiyak ng seguridad ngayong halalan.

Paalala naman ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang mga botante ay hindi inoobliga magdala ng ballpen at maging ang COMELEC ID.

Ang kailangan aniya ng mga botante ay passion at pasensya sa pagboto.

Facebook Comments