HANDA NA | Comelec Dagupan all-set na!

*Bagamat urong sulong ang desisyon tungkol sa usaping eleksyon ngayong taon ang Commission on Election (COMELEC ) Dagupan ay handa na para bigyang daan ang Barangay at SK Election sa Pilipinas sa susunod na buwan ika-14 ng Mayo ngayong taon.

Ayon pa kay Atty. Ericson B. Oganiza election officer ng Comelec Dagupan nakaprint na ang mga voters list at handa na itong gamitin. Dagdag pa nila hinihintay nalang ang official ballots at training nalang ng mga guro ang kulang ngunit sa kabila noon kinumpirma nila na handa na ang COMELEC sa darating na eleksyon. Magsisimula ang eleksyon ng 7:00am at magtatagal hanggang 3:00pm ayon sa COMELEC Dagupan.

Dagdag pa ni Atty. Ericson na sino man ang mahuhuling gumagawa ng anomalya sa eleksyon o mayroong mahuling flying voters ay mapaparusahan ng isa hanggang sa anim na taong pagkakakulong.


Paalala ng COMELEC Dagupan sa mga botante na piliin ang karapat dapat at huwag ibenta ang kanilang boto.

Ulat nina Aris Saygo at Jeremie Escat

Facebook Comments