Handa na ang Department of Education (DepEd)na tumanggap ng mga estudyante para sa Alternative Learning System (ALS) program buong taon
Ang ALS program ay isang alternatibong paraan upang makapag-aral ang isang estudyante na hindi kayang pumasok araw-araw sa eskwelahan.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary G.H Ambat, pataas ng pataas ang bilang ng mga enrollees sa ALS program kung kaya at ginawa na nilang araw-araw ang pagtanggap sa mga estudyante na karamihan ay out of school youth.
Sa ngayon, sinabi ni Ambat na mayroon nang 300,000 learners ang naka-enroll sa nasabing programa.
Sa datos ng DepEd nakapagtala ang Bicol, Davao, Region 2 at Region 12 na may pinakamaraming ALS enrollees.
Facebook Comments