
Nagkaroon na ng pagpupulong ang Philippine National Police Dagupan City sa mga force multipliers ng lungsod para sa paghahanda sa Oplan Summer Vacation (SUMVAC). Ayon kay Police Inspector Marcus Anod ng PNP Dagupan sa ika-26 ng Marso pupuwesto na ang 15 na motorist assistance center na pangungunahan ng PNP Dagupan kasama ang 200 na billang ng force multipliers.
Ang inisyal na paglalagyan ng mga motorist assistance ay sa Bonuan, Tambac at Central Business ng lungsod kasama na rito ang mga bus terminal at mga mall. Tutukan rin ang Crime Against Property sapagkat ito nag panahon na umaatake ang kawatan kapag wala ang mga may-ari ng bahay at Tumataas din umano ang insidente ng vehicular accident sa ganitong panahon. Dagdag ni Police Inspector Marcus walang re-routing na mangyayari kaya walang dapat ikabahala ang mga motorista.









