HANDA NA | Procurement ng lokal na palay, mas paiigtingin ng NFA

Manila, Philippines – Pansamantalang ipinahinto ng National Food Authority (NFA) ang pag-aangkat ng bigas at mas paiigtingin pa ang local procurement ng palay.

Sa datos ng NFA, bumagsak ng 86.80% ang kanilang stocks, katumbas ng 61,400 metric tons.

Ayon kay NFA Administrator Jason Aquino, handa na ang kanilang pondo, mga tauhan at logistics para bumili ng lokal na palay para mapagtibay ang humihinang buffer stock ng bigas sa panahon ng tag-ani mula Marso hanggang Mayo.


Kabilang sa pagkukunan nila ng palay ay Iloilo, Bukidnon, La Union, Bulacan, Pampanga, bataan, Batangas, San Jose at Mamburao (Occidental Mindoro), Sultan Kudarat at iba pang lugar sa Mindanao.

Magpapadala rin sila ng mobile procurement teams sa para direktang bumili ng palay sa mga magsasaka.

Target ng NFA ang anim na milyong bag ng butil ng palay ngayong taon.

Facebook Comments