Nakalataga na ang preparasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa posibleng idulot ng bagyong Ompong sa kanilang mga transmission operation facilities.
Sa kanilang statement, sinabi ng NGCP na nakahanda na ang kanilang pasilidad ng komunikasyon, mga kagamitang kailangan sa pagkukumpuni ng maaaring masirang pasilidad at gayundin ang pagpuwesto ng mga line crews sa ‘strategic areas’ na maaring daanan ng ng bagyo.
Ayon sa NGCP, ang mga hakbang na ito ay nakasaad sa kanilang Integrated Disaster Action Plan o IDAP.
Nanatili namang naka-monitor ang kanilang Overall Disaster Command Center sa mga gawaing ukol sa pagkukumpuni ng mga pasilidad at pagbabalik ng kuryente.
Nakaantabay din sila sa mga pag-uulat at kaganapan partikular na sa bahagi ng Luzon, na tutumbukin ng bagyo.
Sa ngayon, nananatili pa namang normal ang transmission lines ng NGCP.