HANDA | NPA na maglulunsad ng ‘Red October’, tinutugis at uunahan ng AFP

Nakahanda anumang oras ang opensiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang paghahanda sa Red October na pinaplanong isakaturapan ng NPA sa ibat-ibang panig ng bansa.

Ayon kay AFP Deputy Chief of staff for Operations Brig. Gen Antonio Parlade, tinutunton na nila ang lokasyon ng mga rebelde para unahan ang mga ito sa pag-atake.

Sa impormasyon mula sa AFP ang Red October ay isasakatuparan sa Oktubre a-17 kung saan sabay-sabay sasalakayin ng mga rebelde ang mga police outposts at army detachments sa iba’t-ibang panig ng bansa.


Sinabi pa ni Parlade, bagaman bistado na ang plano, itutuloy pa rin ng NPA ang kanilang pag-atake.

Kung maalala hindi nagtagumpay ang oplan aklasan ng mga kalaban ng pamahalaan nitong September 21 matapos mabisto ng gobyerno ang kanilang plano at nag-atrasan din ang ilang kasali dito.

Facebook Comments