Manila, Philippines – Handa si Pangulong Duterte na harapin ang imbestigasyon ng International Criminal Court sa war on drugs ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, handa siyang magpa-firing squad sakaling mapatunayan ng ICC na guilty siya sa mga reklamong crime against humanity.
Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kahit ang United Nation ay inabswelto na ang Pangulo sa anumang posibleng criminal liability noong imbestigahan siya sa umanoy Davao Death Squad.
Giit ng Palasyo, walang huridiksyon sa kaso ang ICC at handang litisin ng mga korte sa bansa ang anumang kaso laban sa pangulo.
Facebook Comments