HANDA | Pangulong Duterte, muling iginiit na handa itong magbitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa itong magbitiw sa pwesto.

Ito ay sa gitna ng inihaing quo warranto petition ng abogadong si Elly Pamatong laban sa kanya sa Korte Suprema.

Kasabay ng 117th anniversary ng Office of the Solicitor General (OSG), sinabi ni Duterte na masaya siyang bababa sa kanyang pwesto at uuwi sa kanila sa Davao.


Matatandaang pinagkokomento na ng Kataas-Taasang Hukuman ang punong ehekutibo sa petisyon laban sa kanya.

Isinampa ni Pamatong ang reklamo dahil sa alegasyong ilegal ang Certificates of Candidacy ni Duterte noong 2016 presidential elections.

Facebook Comments