HANDA | PCOO, nirerespeto ang anumang kasong isasampa ng COA sa Office of the Ombudsman

Manila, Philippines – Nirerespeto at handa ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na humarap sa Office of the Ombudsman sa anumang kaso na isasampa sa kanila kaugnay ng kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) na gastos sa nakaraang Asean summit.

Nabatid kasi na milyon-milyon piso ang ginastos ng PCOO sa renta ng mga kagamitan, sasakyan at internet service na ginamit sa nabanggit na summit noong nakalipas na taon.

Ayon kay Atty. Marvin Gatpayat, Undersecretary for Legal Affairs ng PCOO, tiniyak nila na pinaiimbestigahan na nila ang mga opisyal na sangkot sa mga kinukuwestiyong aktibidad sa Asean.


Kabilang dito ang dalawang deputy officials ng PCOO at tatlong iba pa na pumirma sa mga kontrata para sa Asean summit.

Sinabi pa ni Gatpayat na kaniang makukumpleto at mailabas ang resulta ng kanilang pagsisiyasat sa loob ng 10-araw.

Tinitiyak din ng nila na walang mangyayaring cover-up sa iimbestigasyon sa mga kasamahan nilang opisyal sa PCOO.

Facebook Comments