Bicol – Nakakatutok ngayon ang pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management office at ni Office of Civil Defense Claudio l. Yucot– ganun din ang pamunuan ni representative at Governor Al Bichara kaugnay sa patuloy na pagragasa ng ulan dulot ng hanging amihan at bagyong si Basyang.
Pinayuhan ang lahat ng mga responde at mga Barangay Captain na kung saan nasa 6, 7 to 8 na dapat i-double check ang lahat ng mga residente na walang papasok.
Inatasan na rin nito ang hanay ng Philippine Army at AFP at ang PNP, ang sino man anyang matigas ang ulo ay dapat itong arestuhin para lamang sa kaligtasan nila.
Titiyakin umano ng dalawang tanggapan na zero casualty dahil sa banta ng lahar dulot na rin ng patuloy na pag-alburuto ng bulkang Mayon sa Albay.