HANDA | PNP, handang kunin ang full operational control ng mga lokal na opisyal sa mga pulis

Manila, Philippines – Handa ang Philippine National Police (PNP) na kunin ang full operational control ng mga pulis mula sa local chief executives na mabibigong ipatupad ang peace and order sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay PNP Chief, Director Gen. Oscar Albayalde – responsibilidad ng mga Governor at Mayor na panatilihin ang kapayapaan sa kanilang komunidad.

Paglilinaw ni Albayalde – ang police engagements lang ang kanilang maaring kontrolin at hindi ang buong operasyon ng isang lalawigan, lungsod o bayan.


Matatandaang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggalin nito ang kapangyarihan ng mga lokal na opisyal sa mga pulis kapag hindi nila ginampanan ang kanilang tungkulin.

Ipinag-utos din ng Pangulo ang Dept. of Interior and Local Government (DILG) na magsagawa ng audit sa mga Mayor at Governor na patuloy na nagkakaroon ng mataas na crime rate sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments