HANDA | PNP, inilatag na ang seguridad para sa EDSA People Power anniversary ngayong araw

Manila, Philippines – Nakalatag na ang Philippine National Police (PNP) para sa magiging seguridad para sa EDSA People Power anniversary ngayong araw.

Ayon kay PNP Spokesman, C/Supt. John Bulalacao, mahigit isang libong kapulisan ang ikakalat sa people power monument sa white plains.

Pinaaalahanan din ang grupo na bawal magsagawa ng kilos protesta sa harapan ng people power monument habang isinasagawa ang mga programa.


Hahayaan din nila ang mga nais magsagawa ng kanilang pagkilos bago o matapos ang inilatag na programa.

Umaasa naman ang kapulisan na magiging mapayapa ang nasabing paggunita.

Handa rin sila sakaling lumabag sa napag-usapan ang mga grupo pero paiiralin din ang maximum tolerance.

Facebook Comments