Manila, Philippines – Ipinauubaya na ng Philippine National Police (PNP) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu ukol sa umano ay pagdedeklara ng revolutionary government (RevGov).
Ito ay matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may nilulutong planong patalsikin siya sa pwesto sa Oktubre.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, hindi sila maaring makisali sa usaping ito.
Sinabi naman ni Albayalde, handa silang magbigay ng helpful inputs sa Pangulo hinggil dito pero may mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang maaring gumawa nito partikular ng kanyang security advisers.
Facebook Comments