HANDA | PNP, mahigpit na magbabantay kapag naging batas ang paggamit ng medical marijuana

Mahigpit na magbabantay ang Philippine National Police (PNP) sakaling maisabatas ang paggamit ng medical marijuana.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – tututukan ng pambansang pulisya ang banta ng oversupply ng marijuana na posibleng maging daan upang abusuhin ito ng ilan.

Hindi rin aniya maaring magpadalos-dalos sa desisyon ukol sa isyung ito at kailangan ng masusing konsultasyon sa Department of Health (DOH) bago magpatupad ng mga alintuntunin hinggil sa paggamit ng marijuana bilang gamot.


Facebook Comments