Manila, Philippines – Handang sumunod ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin si dating first lady at Ilocos Norte Representative Imelda Marcos sa oras na maglabas na ang korte ng warrant of arrest.
Ito ang sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde matapos maglabas ang Sandiganbayan ang kanilang hatol kay ginang Marcos na guilty sa pitong counts ng graft.
Kasabay nito, ipinag-utos na ng Sandiganbayan fifth division ang pagpapalabas ng arrest warrant laban sa dating unang ginang.
Kung magkataon, makukulong si Imelda Marcos ng anim na taon at isang buwan hanggang 11 taon sa bawat count, batay sa isinasaad sa anti-graft and corrupt practices act.
Ang kaso laban sa mambabatas ay nag-ugat mula sa paglilipat ng $200 million sa pitong Swiss Foundations noong siya ay gobernador ng Metro Manila noong 1975.
HANDA | PNP, nakahanda sakaling ipag-utos na arestuhin si Imelda Marcos
Facebook Comments