Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na bisitahin si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na ‘currently in exile’ sa The Netherlands.
Ito ay para patunayan at ipakita kung sino ang tunay na may sakit sa kanilang dalawa.
Sa padalo nito sa League of the Municipalities of the Philippines – Visayas chapter sa Cebu, sinabi ni Pangulong Duterte na pwede siyang mag-side trip patungo sa European state pagkatapos ng kanyang pagbisita sa Israel sa susunod na buwan.
Banat pa ng Punong Ehekutibo, si Sison talaga ang naglalabas-masok sa ospital.
Walang kwenta na rin aniya ang mga pinagsasabi ni Sison.
Umapela pa ang Pangulo kay Sison na tigilan na ang pag-abuso sa ibinibigay na tulong ng The Netherlands kabilang ang pagsagot sa mga hospital bills nito.
Naniniwala pa ang Pangulong Duterte na magiging mahaba pa ang kanyang buhay.