HANDA | Report na planong pag-atake ng terrorist group Daula Islamiyah Wilayatul Mashriq sa Mindanao, kinukumpirma ng militar

Manila, Philippines – Inaalam na ngayon ng militar kung kumpirmado ang ulat na nagpa-plano ang teroristang grupong Daulah Islamiyah Wilayatul Mashriq o Islamic State East Asia Division na umatake sa Mindanao.

Sa ulat ang Islamic State Asia Division ay pinamumunuan ng napatay na si Isnilon Hapilon habang chairmen ng teroristang grupo ang magkapatid na sina Abdullah at Omarkhayam Maute, ang founding leaders ng Maute Terrorist Group.

Ayon kay Acting AFP Spokesperson Marine Col. Edgard Arevalo, sa harap ng kanilang ginagawang pagkumpirma sa impormasyonn ay tinitiyak nilang handa dito ang kanilang hanay.


Ito ay sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa ibang mga intelligence agencies ng pamahalaan at ang importante ay pakikipag-tulungan ng publiko upang mas maging epektibo ang kanilang mga inilalatag na seguridad.

Facebook Comments