Manila, Philippines – Handa si Vice President Leni Robredo na pamunuan ang opposition coalition.
Umaasa si Robredo na mabubuo ang grupo sa Setyembre bago ang filing ng Certificates of Candidacy (COC) sa Oktubre.
Ayon kay Robredo, tutol siya sa isinusulong na federalism ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nababahala rin ang bise presidente sa pangungutang ng gobyerno.
Aniya, dapat pag-aralan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Ang Makabayan Bloc ng Kamara ay handang makilahok sa kowalisyon.
Hindi naman ikinabahala ng Malacañang ang binubuong opposition coalition.
Facebook Comments