HANDA | VP Robredo, nakahanda sa mga patutsada sa kanya ni Pangulong Duterte sa SONA

Manila, Philippines – Nakahanda si Vice President Leni Robredo sa mga posibleng tirada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) bukas.

Una nang kinumpirma ni Robredo na dadalo siya sa SONA ng Pangulo bilang bahagi ng kanyang obligasyon bilang Pangalawang Pangulo.

Ani Robredo, responsibilidad niya na dumalo sa SONA bilang lider ng oposisyon.


Sinabi pa ni Robredo – sanay na siya sa mga pang-iinsulto at panghihiya ng Pangulo

Umaasa si VP Leni na mapasama sa SONA ng Pangulo ang pagresolba sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at kahirapan sa bansa.

Facebook Comments