HANDANG HARAPIN | Kahit nag-sorry, Warriors Star Kevin Durant – pinagmulta ng NBA

Sports – Kahit nag-sorry, pinagmulta pa rin ng pamunuan ng NBA ang Golden State Warriors player na si Kevin Durant.

Ito’y matapos niyang akusahan ang isang referee na may personal umanong galit sa kanya kaya ilang beses siyang tinawagan ng foul sa nagdaang laban ng Warriors kontra New York Knicks.

Ayon kay Durant, ilang beses niyang pinanuod ang laro at alam niyang hindi naman talaga foul ang kanyang mga nagawa.


Gayunman, handa raw niyang harapin ang parusang ipapataw sa kanya.

Facebook Comments