HANDANG HARAPIN | SAP Bong Go, nakahadang dumalo sa pagdinig ng senado kagunay sa isyu ng pagbili ng barko ng Philippine Navy

Manila, Philippines — Nakahandang dumalo si Special Assistant to the President (SAP) Secretary Bong Go sakaling ipatawag ng senate investigation kaugnay sa P15.5 billion frigate deal ng Philippine Navy.
Ayon Kay Go, handa niyang harapin ang mga nang-aakusa sa kanya dahil pawang mga kasinungalingan ang mga paratang at wala siyang itinatago.
Inihayag pa niya na kahit saan mapunta o gawin ang pagdinig, handa siyang makipagtulungan sa imbestigasyon at harapin ang aniya’y malisyosong akusasyon laban sa kanya.
Sinabi ni Go ang pahayag para malinis ang kaniyang pangalan at para marinig ang kaniyang panig.

Facebook Comments