Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na handa silang magsumite ng kanilang mga impormasyon o data kaugnay sa Anti-Drug War ng Duterte Administration sa International Criminal Court kung saan inireklamo si Pangulong Rodrigo Duterte ng Crime against humanity.
Ayon kay PDAE Spokesman Derick Carreon, handa nilang ihain sa ICC ang mga hawak nilang papel kaugnay sa mga operasyon ng Iligal na droga ng Administrasyon kung hihingin ito ng ICC.
Paliwanag ni Carreon, dedepende ito kung ano ang magiging takbo ng proceedings ng ICC kaya hindi nila ito maaaring ibigay nang hindi hinihingi ng Korte.
Ipinaubaya naman ng Philippine National Police sa Malacañang ang pagsagot sa ICC Case ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon naman kay Presidential Assistant Secretary Ana Marie Banaag, walang basehan ang reklamong crime against humanity laban kay Pangulong Duterte.
HANDANG MAGBIGAY | PDEA, handang magsumite ng mga datos ng war on drugs sa ICC
Facebook Comments