HANDANG TUMULONG | PNP handang humalili sa mga guro sa pangangasiwa sa eleksyon

Manila, Philippines – Nakahanda na ang Philippine National Police na tumulong sa mga guro na magsisilbing Board of Election Inspector para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Election lalo na sa mga critical areas.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, nakadepende sa hiling ng Commission on Election o COMELEC ang pagsisilbi ng mga pulis para maging Board of Election Inspectors.

Batay sa ipinatutupad na patakaran ng COMELEC tuwing may halalan dapat ay nakalayo ang mga pulis at militar ng 50 metro mula sa canvassing area.


Tiniyak naman ni Albayalde na handa na rin silang magdagdag ng pwersa sa mga Barangay na nasa election hotspots.

Facebook Comments