Handbook na layong gumabay sa pagtrato sa Muslim PDLs, inilunsad ng BuCor

Naglunsad ang Bureau of Corrections (BuCor) ng isang handbook na magsisilbing dagdag-gabay sa pagtrato sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na Muslim.

Ito ang “Handbook on Islam in Places of Detention” na layuning magbigay respeto sa kanilang religious at cultural diversity.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ito ay makakatulong sa mga correction officers sa kanilang pang araw-araw na gawain at tamang pagtrato sa mga kapatid na Muslim.


Dagdag pa ni Catapang, malaki ang mai-aambag nito sa pagbuo at pagpapatupad ng mga patakaran upang mapaunlad ang kapaligirang sensitibo sa kultura, at matiyak na ang pagtrato sa mga PDL ay naaayon din sa internasyonal na pamantayan.

Facebook Comments