Hangad na pag-regulate sa social medial, maaring makadiskaril sa kumpirmasyon ni AFP Chief Gapay bilang four star general

Posibleng magkaproblema sa Commission on Appointments (CA) si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Lt. Gen. Gilbert Gapay.

Ayon kay Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, ito ay kung paninindigan ni Gapay na isama sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terrorism Law ang pag-regulate sa social media.

Bilang principal sponsor ng Anti-Terror Law ay iginiit ni Lacson na mali ang gustong mangyari ni Gapay.


Binigyang-diin ni Lacson na bilang pinuno ng AFP ay maraming dapat ipaliwanag si Gapay sa isinusulong nitong pag-regulate sa social media na wala sa intensyon ng Anti-Terror Law.

Si Lacson ang CA Committee on National Defense & Security Chairman para sa nakatakdang kumpirmasyon ni Gapay bukas bilang four star general.

Ipinaliwanag ni Lacson na kapag hindi nakumpirma ng CA ay mananatiling Lieutenant General si Gapay habang namumuno sa AFP.

Facebook Comments