Kasama na sa hangin ng Metro Manila ang microplastics na maaaring malanghap ng tao.
Ito ang lumabas sa pag-aaral na isinagawa ng mga mag-aaral mula Mindanao State University-Iligan Institute of Technology.
Mula December 16 hanggang 31, kumuha ang grupo ng 864 cubic meters na hangin sa bawat lungsod sa Metro Manila kung saan nakitaan ng 155 Suspended Atmospheric Microplastics ang lahat ng 17 sampling stations.
Lumitaw din sa pag-aaral na ang Mandaluyong at Muntinlupa ang may pinakamataas na antas ng microplastics sa hangin habang pinakamababa sa Malabon.
Ayon kay Dr. Hernando Bacosa, bukod sa mapanganib sa baga ng tao, marami pang sakit ang maaaring makuha kapag nakalanghap ng microplastics.
Bagama’t nakatutulong ang mga puno para maibaba ang antas ng microplastics sa hangin, mainam pa rin daw na magsuot ng facemask.
Samantala, ang pag-aaral ay inilathala noong Marso sa Environmental Science and Pollution Research.