Hanging amihan mag papatuloy sa bansa

Makakaranas ng hanging amihan sa dulong hilaga ng Luzon kaya’t asahan pa rin ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag ulan sa Batanes at Babuyan group of Island.

 

Habang nananatili namang maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

 

Sa ngayon ay may nakataas na gale warning sa hilagang baybaying dagat ng Ilocos Norte, Batanes at Babuyan group of Island at sa kanlurang baybaying dagat ng Ilocos Norte.


 

Malalaki ang alon sa nabanggit na mga lugar pinapayuhan ang lahat ng mga mangingisda na huwag munang pumalaot sa nasabing mga baybaying dagat.

 

Sunrise:   5:58 am

Sunset:     6:07 pm

 

Facebook Comments