Hanging amihan, patuloy na magpapaulan sa Luzon

Wala nang epekto sa bansa ang Low Pressure Area (LPA) na dating bagyong Usman na nasa West Philippine Sea (WPS).

Ang northeast monsoon o hanging amihan ang dominanteng weather system ang umiiral ngayon sa bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – ang amihan na ang nagpapaulan sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley at Central Luzon.


Ang natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila ay magkakaroon pa rin ng mga mahihinang pag-ulan.

Magiging maaliwalas na ang panahon sa buong Visayas at Mindanao maliban sa mga isolated rainshowers dulot ng localized thunderstorms.

Dahil sa amihan, mapanganib pa ring maglayag para sa mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Northern Palawan kasama ang Calamian Group of Islands, kanluran ng Occidental Mindoro, Bataan, Zambales, Pangasinan, La Union, Ilocos Provinces, Batanes at Babuyan Group of Islands, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Sur at Norte, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Eastern Samar.

Facebook Comments