Hanging bridge na tinalunan ng isang tatay para patunayang ligtas, nasira

750

Nasira ang isang hanging bridge sa California matapos tumalun-talon ang isang hindi pinangalanang tatay para patunayan sa mga anak na ligtas ito at matibay.

Nauwi sa pagkawasak ang Tarzan Treehouse sa Disneyland, noong Linggo, Nob. 10 nang mangyari ang insidente.


Batay sa ulat ng mga opisyal, nasira ang nakakabit na tabla sa naturang tulay na nakita noon lamang Nob.11.

Dahil sa pangyayari, sinuspende at pansamantalang ipinasara ang nasabing atraksyon.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Facebook Comments

From Advertisers