Patuloy na makakaapekto ang Southwest Monsoon o hanging Habagat ang kanlurang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon na magdadala ng panaka-nakang pag-ulan.
Habang makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan pero hindi isinasantabi ang tiyansa ng pag-ulan na dala ng habagat at localized thunderstorms.
Patuloy namang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang Tropical storm Bolaven na huling namataan sa layong 3,045 kiloemters, Silangan ng Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 65 kilometers per hour at may pagbuso na aabot sa 80 kilometers per hour.
Ayon sa Central Weather Administration ng Taiwan, malaki ang posibilidad na tumungo ang bagyo sa Japan dahilan para bumaba ang tiyansa na tumama ito sa Pilipinas.