Hapilon, huhulihin ng pamahalaan dead or alive

Marawi City, Philippines – Binigyang diin ng pamahalaan na huhulihin ng Armed Forces of the Philippines ang lider ng Abu Sayyaf at tinawag na Emir ng ISIS sa Asya na si Isnilon Hapilon na nasa Marawi City.

Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, buhay man o patay ay disedidong makuha ng pamahalaan si Hapilon.

Nakikita aniya nila na walang indikasyon na susuko si Hapilon dahil kung gusto nitong sumuko ay matagal na niya itong ginawa matapos ang paulit-ulit na panawagan ng gobyerno at hindi na umabot pa ng dalawang linggo ang bakbakan.


Patunay lang aniya nito na handa si Hapilon na tanggapin ang anumang puwersa na ibato dito ng militar.

Binigyang diin ni Padilla na huhulihin nila si Hapilon patay man o buhay upang matiyak na hindi na ito makapag hahasik pa ng lagim saan mang panig ng bansa.
DZXL558

Facebook Comments