HAPPY AND PROUD | PAPA P, tinaguriang ‘Rising Star of Asia’

Showbiz – Ginawaran ng international award ang ultimate heartthrob na si Piolo Pascual.

Tinanggap ng aktor ang “10 Asian Star: Up Next” award ng variety magazine at international film festival and awards Macau.

Say ni papa P, happy at proud siya sa natanggap na pagkilala lalo at matagal na niyang pangarap na katawanin ang Pilipinas sa global market.


Nakatutuwa aniya na kahit 40 years old na siya ay siya pa ang napiling rising star ng Asya.

Kasama ni papa P sa Macau ang kanyang ate at kaibigang si Direk Joyce Bernal.

Facebook Comments