Manila, Philippines – Nagpaabot na lamang ng pagbati ang palasyo ng Malacañang kay Senador Leila De Lima sa nalalapit nitong anibersaryo ng pagkakakulong.
Ito ang ginawa ng Malacañang sa harap na rin ng pagsusulong ng oposisyon na mapalaya si De Lima mula sa pagkakakulong nito sa Philippine National Police Custodial Center sa Kampo Crame.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tiyaknamang naiintindihan ng mga mambabatas ang pagkakahiwalay ng tatlong sangay ng gobyerno.
Kaya naman umaasa si Roque na hindi na igigiit ng mga opposition senators na palayain ng ehekutibo si Senador De Lima dahil korte lamang ang may hurisdiksyon dito.
Kaya naman binati nalang ni Roque ng happy anniversary in detention si Senador De Lima na mag-iisang taon nang nakakulong sa darating na a-24 ng Pebrero.