“HAPPY PILL” | Hashtag member na si Jon Lucas, inamin na isa na siyang ama

Manila, Philippines – Sa unang pagkakataon, inihayag ng 22 year-old hashtag member na si Jon Lucas na isa na siyang ama, at kasal na rin siya.

Say ni Jon, panahon na para magpakatotoo at ayaw na rin niyang mag tago.

Masaya aniya siya na nagsisilbing inspirasyon at happy pill ang kaniyang anak lalo na sa mga pagkakataong nakakaramdam siya ng kalungkutan.


Malaki na raw ang ipinagbago ng kaniyang buhay, mula nang isinilang ang kaniyang anak, na tumulong sa kaniyang kalimutan ang kalungkutang dala ng pagpanaw ng kaniyang ina.

Facebook Comments